Pumalo na sa 12,721 ang bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19 sa buong bansa mula ng magsimula ang pandemya.
Itoy batay sa pinakahuling tala ng COVID-19 Philippine situationer ng Department of Health (DOH).
Sa nasabing bilang, 12,417 na mga health workers ang nakarekober sa COVID-19 habang 76 sa mga ito ang nasawi.
Base pa sa datos ng DOH, nasa 228 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng health care workers.
123 sa mga aktibong kaso ay mild cases habang 73 ang asymptomatic, 17 ang severe conditon, apat ang moderate at 11 ang kritikal.
Karamihan naman sa mga tinamaan ng COVID-19 na mga health care workers ay mga nurse na mahigit 4,500 ang bilang.
Facebook Comments