Bilang ng mga health worker, kulang na kulang na!

Kulang na ang pwersa ng health workers sa bansa sa gitna ng laban sa COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Assistant Secretary Kenneth Ronquillo, nangangailangan na sila ng 92,000 doktor at 44,000 nurses sa mga ospital sa bansa.

Habang maliban dito, nakitaan din ng shortage sa 19,000 medical technologists, 14,000 pharmacists at 17,000 radiologic technicians at radiologic technologists.


Nanggaling ang datos mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Nabatid na nitong Hunyo, tinaasan pa ng gobyerno ang deployment cap sa mga health workers na ipinapadala sa abroad na umaabot na sa 5,000 hanggang 6,500.

Facebook Comments