Bilang ng mga health workers na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 3,360

Sumampa na sa 3,360 ang bilang ng mga health workers na tinamaan ng COVID -19 sa bansa as of June 27.

Sa nasabing bilang, 2,515 ang nakarekober na mula sa sakit habang 33 ang namatay hanggang noong June 10.

Nasa 812 pa ang active cases at patuloy na sumasailalim sa treatment o quarantine.


Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) kahapon, umabot na sa 35,455 ang COVID-19 cases sa bansa, 9,686 dito ang gumaling at 1,244 ang nasawi.

Samantala, limang laboratoryo pa ang nabigyan ng accreditation ng DOH para makapagsagawa ng independet COVID-19 testing.

Dahil dito, 69 na ang nagagamit na laboratoryo sa buong bansa kung saan 50 rito ay Polymerace Chain Reaction (PCR) facilities at 19 GeneXpert laboratories.

May 166 na iba pang laboratoryo ang sumasailalim sa akreditasyon at 147 dito ay nasa stage 3 na ng proseso.

Facebook Comments