Nagpapatuloy ang libreng sakay ng Department of Transportation (DOTr) sa mga health worker na apektado ng localized mass transportation dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.
Sa datos ng DOTr kahapon, umabot na sa 698,374 ang total ridership ng nasabing programa sa buong bansa kung saan 141,114 rito ay naitala sa National Capital Region.
Matatandaang nagsimula lamang sa tatlong ruta ang DOTr Free Ride for Health Workers Program noong March 18, 2020, pero ngayon mayroon nang 350 mga bus ang nakikiisa sa programa.
Katuwang dito ng DOTr ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Facebook Comments