Bilang ng mga healthcare workers na tinamaan ng COVID-19, muling nadagdagan

Muling nadagdagan ang bilang ng mga healthcare workers sa buong bansa na nagpositibo sa COVID-19.

Sa datos mula sa COVID-19 Philippine Situationer ng Department of Health (DOH), nasa 49 na healthcare workers ang nadagdag sa bilang na tinamaan ng virus.

Dahil dito, umaabot na sa 13,774 ang kabuuang bilang ng mga healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 pero 13,452 dito ang gumaling na habang nananatili sa 76 ang bilang ng mga nasawi.


Sa ngayon, nasa 246 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga healthcare workers.

Sa nasabing bilang, 15 ang severe condition, isa ang moderate condition, 118 ang mild condition, 101 ang asymptomatic at 11 ang kritikal.

Facebook Comments