Bumaba ng kalahati ang bilang ng mga home quarantine violators kada araw matapos na ideploy nang nakalipas na linggo ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) at mga sundalo sa mga lugar na marami pa rin ang nasa labas ng bahay kahit may community quarantine.
Ito ang sinabi ni Joint Task Force COVID Shield Commander Lt Gen Guillermo Eleazar.
Aniya April 21 at April 22 lampas tatlong libong mga home quarantine violators ang kanilang naaresto kada araw.
Pero simula nang i-deploy ang PNP SAF at mga sundalo 1,585 violators na lamang ang kanilang nahuhuli kada araw nationwide.
Sa ngayon araw araw nilang minomonitor ang sitwasyon sa labas para makagawa ng mga security adjustments sa mga area na mayroon pa ring ECQ violators.
Samantala pinaigting rin ng PNP Highway Patrol Group (HPG) ang kanilang operasyon laba sa mga private vehicles na patulot na bumabyahe kahit hindi otorisado.
Nagdeploy na ang PNP-HPG ng mga nakamotorsiklong pulis para habulin ang mga pasaway na private vehicles.
Ginagawa ng PNP at AFP ang mas mahigpit na pagpapatupad ng ECQ matapos na madismaya mismo ang Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa dami pa rin ang lumalabag dito.