5 Filipino sa Saudi, namatay dahil sa COVID-19

Iniulat ni Philippine Ambassador Adnan Alonto na umaabot na sa 5 kababayan natin sa Kingdom of Saudi Arabia ang namatay dahil sa Coronavirus disease (COVID-19)

Sa Laging Handa public briefing sinabi ni Alonto na nasa 119 Filipinos narin sa Saudi ang tinamaan ng COVID-19 pero sila ay inaalagaan naman sa ibat ibang ospital.

Ayon pa kay Alonto maganda ang patakaran ngayon sa Saudi dahil nagpapatupad ang kanilang gobyerno ng free treatment for COVID-19 cases mapa pampubliko man o pribadong ospital.


Nagsasagawa narin aniya ng mass testing sa Saudi Arabia kung kaya’t dumami ang kaso ng Covid 19 na sumampa na sa 17,522 habang 139 naman ang naitalang nasawi at 2,357 recoveries.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Saudi Arabia ang mayruong pinaka maraming OFWs sa Middle East na umaabot sa 900,000.

Facebook Comments