Bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng Bagyong Ulysses, pumalo na sa higit tatlong milyon

Pumalo na sa 3,830,602 indibidwal o katumbas ng 932,467 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Ulysses sa bansa base sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Mula ito sa mahigit 6,000 barangay sa Region 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5, National Capital Region (NCR) at Cordillera Administrative Region (CAR).

Nakapaloob rito ang 34,328 na pamilya na hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa mga evacuation centers at 12,829 pamilya naman ang nasa labas ng evacuation centers.


Samantala, nananatili naman sa 73 ang bilang ng nasawi habang 68 naman ang sugatan at 19 ang patuloy pa ring hinahanap sa Region 2, 3, Calabarzon, CAR at NCR.

Facebook Comments