Mga Ayuda, Donasyon sa Cagayan, Tiniyak na Maipapamahagi sa mga Nasalanta ng Baha

20

Cauayan City, Isabela- Tiniyak ni Cagayan Governor Manuel Mamba na maipapamahagi sa mga apektadong pamilya na nasalanta ng malawakang pagbaha sa Lalawigan ang mga tulong at donasyon na ibinigay ng iba’t-ibang organisasyopn, grupo, LGU’s at indibidwal.

Sa kanyang ginawang pagdalaw sa Cagayan Coliseum para tanggapin ang mga dumating na mga ayuda ay kanyang sinabi na matatanggap ng mga karapat-dapat ang mga biyayang dumagsa sa kanyang probinsya at wala aniya ni isang kawani ng Kapitolyo ang mag-uuwi kahit isang lata ng sardinas.


Maghapon at magdamagan naman ang ginagawang ng mga kawani ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), 17th Infantry Battalion Philippine Army, PGC Employees at mga Volunteers sa mga bulto-bultong mga ayuda.

Lahat ng mga bultuhang ayuda na ipinag-katiwala sa Kapitolyo ay nirerepake ng pang family pack habang ang mga dati ng naka-pack ay direkta ng ipinamamahagi.

Facebook Comments