Bilang ng mga inilikas sa pananalasa ng bagyong Tisoy sa Bicol Region umakyat na sa halos kalahating milyon ayon sa PNP

Umaabot na sa halos kalahating milyon ang inilikas sa Bicol region dahil sa  pananalasa ng Bagyong Tisoy.

Batay ito  sa datos ng  Police Regional Office 5 o Bicol PNP na silang nagsisilbing  first responders sa pananalasa ng  bagyong Tisoy.

As of 5 AM, nasa 455, 232 na mga residente ang inilikas sa 2, 880 na mga evacuation center sa rehiyon partikular na sa mga lalawigan ng Albay, Catanduanes, Camarines Norte at Camarines Sur gayundin sa Sorsogon at Naga City.


Dalawa rin ang naitalang casualties dahil  sa bagyo kung saan, 1 ang patay matapos na makuryente sa Libmanan habang 1 naman ang sugatan sa Polangui matapos bagsakan ng puno.

Nasa 52 bayan at lungsod ang nawalan ng kuryente sa Bicol dahil rin  sa bagyo habang papalo naman sa 4,093 na mga pasahero sa pantalan ang istranded sa Bicol Region.

Nasa 20 naman ang mga kalsada sa rehiyon ang nalubog sa baha.

Facebook Comments