Bilang ng mga isinilang ngayong 2021, pinakamababa sa loob nang 75 taon ayon sa POPCOM

Inaasahang maitatala ng Pilipinas ang pinakamababang bilang ng mga ipinanganak ngayong taon.

Ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM), posibleng pumalo lamang sa 324,000 ang madadagdag sa populasyon ng bansa ngayong 2021.

Pinakamababa ito mula noong 1947 kung saan nakapagtala tayo ng 254,000 na karagdagang mga isinilang.


Ipinaliwanag ni POPCOM executive director Juan Antonio Perez III na dulot pa rin ito ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic kung saan mas pinipili ng mga kababaihan na i-delay ang kanilang pagbubuntis.

Dagdag pa aniya dito ang unstable na ekonomiya ng bansa na nagdulot ng mas maraming nawalan ng trabaho.

Samantala, mababa din aniya ang bilang ng mga ikinasal ngayong taon na nasa 240,000 kumpara sa average na 430,000 kada taon bago tumama ang pandemya.

Facebook Comments