Umaabot na sa 40,071 ang bilang ng mga kabataan na nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Ito’y sa loob lamang ng halos dalawang linggo ng simulan ng Manila Local Government Unit (LGU) ang pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Ang nasabing bilang ng mga nabakunahan ay pawang kabilang sa higit 75,000 na nagparehistro upang makatanggap ng bakuna kontra COVID-19.
Magpapatuloy naman ngayong araw ang pagbabakuna sa apat na mall na may tig-750 doses at anima na district hospitals na may tig-500 doses ng COVID vaccine.
Bukod dito, isasagawa na rin ang pagbabakuna sa dalawang special community vaccination sites partikiular sa Smokey Mountain Brgy. 128 Covered Court at Benigno Aquino Elementary School sa Baseco na may tig-500 doses ng bakuna.