Manila, Philippines – Bumaba ang bilang ng mga kaso ng kindapping sa bansa ngayong taon.
Ito ang ipinagmalaki ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG).
Ayon kay PNP-AKG Spokesperson, Supt. Abelardo Borromeo – mula Enero hanggang Hunyo 2017, nakapagtala lamang sila ng siyam na kaso kumpara noong mga nakaraang taon.
Aniya, sa siyam na kaso naresolba na ang anim dito habang tatlo pa ang maituturing na live cases.
Dagdag pa ni Borromeo – maliit na criminal groups ang mga kagagawan nito at hindi mga malalaking sindikato.
Dahil dito, maaring magsumbong sa sumusunod hotline ng PNP-AKG kapag may mga insidente ng kidnapping.
*Telepono: (02) 726 -6770*
*Cellphone: 0918-900-2020*
Facebook Comments