Manila, Philippines – Umakyat pa sa 303 terorista ang napapatay ngayong 39 na araw na ang bakbakan ng gobyerno at Maute group sa Marawi City.
Sa huling tala ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nasa 44 na sibilyan ang nasawi habang higit 1,700 naman sa mga ito ang nasagip.
75 naman ang nalagas sa tropa ng pamahalaan habang umabot naman sa 362 na firearms ang narekober.
Ayon kay joint task force Marawi Spokesperson, Lt/Col. Jo-Ar Herrera – prayoridad pa rin ang kaligtasan ng mga bihag ng mga terorista.
Sa ngayon aniya, nananatili pa rin sa apat na barangay ang mga kalaban.
Facebook Comments