Bumaba ng 53% ang bilang ng krimen na bunga ng motorcycle riding suspects sa Metro Manila noong isang taon base sa tala ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, mula sa 853 crimes noong 2017 bumaba ito sa 400 cases noong 2018.
Sinabi pa ni Gen. Eleazar na ang misis-related murder cases ang nakapagtala ng pinakamataas na pagbaba na 85.21% o mula sa 338 noong 2017 pababa sa 50 na lamang noong 2018 habang ang robbery incidents ay bumaba mula 224 sa 186 at physical injuries mula 128 sa 75 cases noong isang taon.
Samantala, maituturing namang cleared ang 167 cases kumpara sa 159 cases noong 2017 habang ang ikinukunsidera namang ‘case solved’ ay umabot sa 120 kumpara sa 84 noong 2017.
Paliwanag pa ni Eleazar na sa kasalukuyang liderato ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ay inilunsad ang ‘clean rider’ campaign na ibinibigay sa mga “clean” motorcycle rider na walang criminal record.