Bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 462

167

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 82 na panibagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Dahil dito, umakyat na sa 462 ang na itatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Mula naman sa 25 ay nadagdagan pa ang bilang ng nasawi na pumalo na sa 33 habang 18 ang naka-recover sa sakit.

Kasabay nito, kinumpirma ni Pasig City Mayor Vico Sotto na mayroon ng 14 na positibong COVID-19 case sa kanilang lungsod.

Nakapagtala naman ang Malabon City ng unang kaso ng COVID-19.

Samantala, isa pang Filipino ang nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong kaya umabot na ito sa tatlo.

Habang dalawa namang Pinoy sa Brunei ang nagpositibo rin sa sakit.




Facebook Comments