Pumalo na sa mahigit 2.4 milyong mamamayan sa Lungsod ng Quezon ang nakakumpleto na ng kanilang bakuna.
Ito’y sa harap ng patuloy na isinasagawang QC-Protek TODO Vaccination Program ng QC local government.
Batay sa datos na inilabas ng lokal na pamahalaan, umabot na sa 2,420,453 ang fully vaccinated na indibidwal na matatanda at bata sa lungsod, kasama na dito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.
Habang nasa 2,252,758 na naninirahan at manggagawa sa lungsod ang nabakunahan na ng first dose ng vaccine.
Samantala, sa patuloy na pagbabakuna sa minors with or without comorbidity, nasa 318,878 na bata na ang nabakunahan sa kasalukuyan sa ilalim ng naturang programa.
Dahil dito, umabot na sa kabuuang 5,644,965 doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na ng QC LGU sa lungsod sa tulong ng healthcare workers, staff at volunteers.