CAAP, naka-alerto pa rin sa harap ng pagdagsa ng mga turista sa mga lalawigan

Naka-alerto pa rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa harap ng patuloy na pagdagsa ng mga bakasyunista sa mga lalawigan.

Ayon sa CAAP, partikular na patuloy na dinadagsa ng mga turista ang Boracay.

Sa ngayon, wala namang problemang naitatala ang CAAP sa commercial airports.


Kinumpirma rin ng CAAP na 85 hanggang 90% ang itinaas ngayon sa volume ng mga pasahero sa mga paliparan sa bansa.

Facebook Comments