BILANG NG MGA KUMUKUHA NG PSA SA CAUAYAN, WALANG PAGBABAGO

CAUAYAN CITY – Hindi umano ramdam ng Cauayan City Civil Registrar Office na nabawasan ang bilang ng mga nag-rerequest sa kanila ng PSA.

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng opisina ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa Lungsod ng Ilagan.

Ayon kay Cauayan City Civil Registrar Head, Nerissa Serrano, marami pa ring mga residente sa Lungsod ng Cauayan ang nagpapadala sa kanila ng request ng PSA.


Ibinahagi rin nito na ang mga kalimitang nagpupunta sa PSA Ilagan ay ang mga indibidwal na nagmamadaling makakuha ng kopya ng kanilang PSA.

Ipinalinawag din nito na hindi umano nila agad agad nakukuha ang mga PSA na nirequest ng kanilang opisina dahil mayroon umano silang sinusunod na schedule of release.

Ayon pa kay City Civil Registrar Head, Nerissa Serrano, may mga pagkakataon din umano na nakakaranas ng technical errors gaya ng slow downloading o error downloading kung kaya’t umaabot ng ilang linggo ang PSA bago makuha.

Facebook Comments