Bilang ng mga low-income families na nagparehistro sa PhilSys, nadagdagan pa ng 1.5 milyon

Nadagdagan pa ng 1.5 milyong adult Filipinos mula sa low-income families ang nagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) at National Statistician Claire Dennis Mapa, ang mga nadagdag sa listahan ay naitala noong unang anim na araw pa lamang ng expanded registration program.

Ang mga ito ay nagmula sa 32 probinsya kung saan nitong 2020 ay nasa 10.5 milyong Pilipino na ang nakapagrehistro.


Inumpisahan ang step 2 ng registration process ng PhilSys sa mga biometric information sa anim na probinsya kung saan kabilang ang; Laguna, Cavite, Batangas, Bataan, Zambales, at Rizal.

Sa ngayon, sinabi ni Mapa na handa na ang PSA na targetin ang 50 milyon hanggang 70 milyong Pilipino na makapag-rehistro.

Facebook Comments