Meryll Soriano at Joem Bascon, inamin na planado ang pagkakaroon ng baby

67

Inamin ng aktres na si Meryll Soriano na planado nila ng boyfriend na si Joem Bascon ang kaniyang pagbubuntis.

Sa Instagram, sinabi ng aktres na ilang beses nilang sinubukan ang magka-baby.


Kaya’t ganoon na lamang ang saya nilang dalawa noong nalaman na buntis si Meryll.

Sa kabilang banda, kapansin-pansin din ang sunod-sunod na mga post ni Meryll ng pictures nila ni Joem kasama ang kanilang baby boy.

Hanggang ngayon, tikom pa rin ang bibig ng dalawa sa naging reaksyon ni Crisha Uy sa pagsasa-publiko ng kanilang relasyon.

Facebook Comments