Wala pang pinal na listahan ang Commission on Elections (COMELEC) na maituturing na ‘areas of concern’.
Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na bine-verify pa rin nila ang listahan na ibinigay sa kanila ng Philippine National Police (PNP).
Posible kasing mabago pa ang kategorya ng isang lugar.
Paliwanag ni Jimenez, hindi maaaring pagbasehan lang ang kasaysayan ng isang lugar para matukoy ito na ‘areas of concern’.
Kailangan kasing makita muna kung bumuti na ang sitwasyon ng mga magkakalaban dito at kung may banta ng mga armadong grupo.
Samantala, sinabi naman ni PNP Deputy Chief for Operations Police Lt. Gen. Ferdinand Divina na may 105 bayan at 15 siyudad ang tinuturing nila na ‘areas of concern’.
Sa ngayon, wala pang petsa kung kailan mailalabas ang pinal na ‘areas of concern’ ngunit aasahan na ito sa mga susunod na araw.