Bilang ng mga lugar na isinailalim sa granular lockdown, bumaba na sa 281

Bumaba na sa 281 mula sa 294 ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.

Batay sa Philippine National Police (PNP), 146 na mga barangay sa Metro Manila ang nasa granular lockdown kung saan apektado ang 7,003 na indibidwal.

Kabilang na dito ang 186 na mga kabahayan, 55 residential building, 16 subdivision, 13 kalsada, pitong residential building floors at dalawa iba pa.


Ipinakalat naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 648 personnel at 724 force multiplier sa mga lugar na apektado para masiguro na walang lalabas sa mga tirahan at masusunod ang minimum health standards.

Facebook Comments