Bilang ng mga lugar sa Muntinlupa na isinailalim sa granular lockdown, umaabot na sa 9

Umaabot na sa 9 na lugar sa Muntinlupa City ang inilagay sa lockdown dahil sa nakaka-alarmang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Partikular ang mabilis na pagdami ng infection sa komunidad.

Ang bagong isinailalim sa granular lockdown sa Muntinlupa ay ang Mahogany Street at Kamagong Street sa Villa Carolina 2, Brgy. Tunasan.


Epektibo ang lockdown kaninang 6:00 p.m., August 24, hanggang September 8, 6:00 p.m.

Nakatakda namang magsagawa ng mass testing at contact tracing sa lugar ang Muntinlupa City Health Office.

Facebook Comments