Bilang ng mga Pinoy na naiwan sa Afghanistan, 26 na lang

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isa pang Pilipino ang nakalabas na rin ng Kabul, Afghanistan kaya 26 na mga Pinoy na lamang ang naiwan doon.

Ayon sa DFA, ang naturang Pinoy ay nasa United Kingdom (UK) na rin ngayon.

16 aniya sa natitira pang Pinoy sa Afghanistan ang nakatakda na ring ilikas.


Habang nanindigan naman ang 10 Pinoy sa Afghanistan na magpaiwan doon sa harap ng kaguluhan.

Bukas, 14 na mga Pinoy mula Afghanistan ang dadating sa bansa mula sa UK.

Facebook Comments