Bilang ng mga lumabag sa quarantine protocols, sumampa na 377,000

Umabot na sa 377,000 quarantine protocol violators ang sinita ng pulisya simula nang magpatupad ng lockdown sa bansa noong Marso dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration at Joint Task Force (JTYF) COVID Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, 41% sa kabuuang bilang ay binigyan lamang ng babala.

Nasa 22% naman ang pinagmulta at 27% ang kinasuhan.


Muling iginiit ni Eleazar na sa kabila ng mas maluwag na community quarantine level ay patuloy silang maghihigpit sa pagbabantay.

Samantala, kaugnay ng planong pag-monitor ng PNP sa social media activities ng mga tao para sa posibleng paglabag sa quarantine protocols, nilinaw ni Eleazar na hindi agad aarestuhin ang violators lalo na kung hindi naman sila naaktuhan.

Aniya, magsasagawa sila ng imbestigasyon at kapag nakakuha ng dagdag na ebidensya saka sila magsasampa ng kaso.

Pero kung mahuli sa akto, agad na gagawin ang pag-aresto at depende sa umiiral na ordinansa sa mga lungsod ang pagpapataw sa kanila ng parusa.

Facebook Comments