Bilang ng mga lumabag sa umiiral na ECQ sa buong bansa, umabot na sa higit 1,400

Umabot na sa 144,452 ang bilang ng mga lumabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong bansa mula March 17 hanggang April 23.

Ayon kay police Lt. Gen. Guillermo eleazar, commander ng joint task force covid-19 shield – pinakamaraming lumabag sa mga violators ay mula luzon na nakapagtala ng 90,164 na violators.

Sinundan ito ng mindanao na may 27,572 na violators at visayas na mayroong 26,969 na violators.


sa mga nahuli, 103,781 ang binalaan habang 6,499 ang pinagmulta.

Kabilang sa mga violation sa ilalim ng ecq ay ang paglabag sa curfew, walang quarantine pass at hindi pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar.

Samantala… magde-deploy nang karagdagang pulis ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila kasunod ng extension ng ECQ hanggang May 15.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Debold Sinas, nakipag-ugnayan na siya sa philippine army at sa Philippine National Police’s (PNP) Special Action Force (SAF) para humingi ng tulong sa pagpapakalat ng security forces.

Magdaragdag na rin aniya si PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa ng karagdagang 20,000 PNP personnel na magbabantay sa buong Metro Manila.

Facebook Comments