Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagpapasaway sa batas trapiko.
Ayon kay MMDA Traffic Operations Chief Bong Nebrija, ang kawalan ng disiplina ng mga Pilipino ang nagiging dahilan ng problema sa trapiko.
Sa kabila ng mga ipinapatupad na traffic schemes ng MMDA, patuloy pa rin itong nilalabag ng mga motorista.
Nitong 2015, aabot lamang sa 226,7070 ang naitala nilang traffic violations pero pagdating ng 2018 ay sumipa ito ng hanggang 474,344 traffic violations.
Sa EDSA, naitatala ang pinakamaraming bilan ng paglabag sa batas trapiko sa bahagi ng Guadalupe at Arayat na may halos 1,000 violations.
Facebook Comments