Pinagmalaki ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na bumababa na ang bilang ng mga naaarestong lumalabag sa mga ordinansa sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay MPD District Director Sr. Supt. Vicente Danao Jr., umaabot lamang ng 76 na katao ang pinagdadampot sa iba’t ibang lugar sa Maynila dahil sa mga paglabag sa ordinansa sa lungsod.
Paliwanag ni Danao malaki umano ang kontribusyon ang ginagawa nilang anti-criminality operation upang bumaba ang bilang ng mga naaarestong lumalabag sa mga ordinansa.
Dagdag pa ng opisyal na ang pinakamataas na bilang ng mga paglabag ay sakop ng Station 2 kung saan umaabot sa 36 ang kanilang naaresto kabilang ang umiinom sa mga pampublikong lugar at nakahubad pang itaas at ang pinakamababang nahuli ay sakop ng Station 5 kung saan isa lang ang kanilang naarestong lumabag sa ordinansa.