Bilang ng mga mag-aaral na nagpa-enroll sa buong bansa, umakyat sa mahigit 24 million ayon sa DepEd

Inihayag ng pamunuan ng Departement of Education o DepEd na patuloy ang pag-akyat ng bilang ng mga estudyante sa bansa na nagpaparegister para sa School Year 2020 to 2021 sa kabila ng banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Batay sa tala ng National Enrollment data ng DepEd, nasa mahigit 24.19 milyong mag-aaral ang nagpa-enroll para sa pampubliko at pribadong paaralan sa bansa, kasama na ang State Universities and Colleges o SUCs.

Ito ay katumbas ng 87.07% mula sa kabuuang bilang ng enrollees noong 2019 kung saan umabot ng mahigit 27 milyong enrollees.


Mula sa nasabing bilang, mahigit 22.15 milyon ay mga mag-aaral na nagpa-enroll sa public schools ng bansa o nasa 98.14% na mula sa nakaraang taong bilang ng enrollees.

Habang ang private schools at SUCs ay mayroon palang mahigit 1.99 milyong mag-aaral ang nagpa-enroll kung saan 46.35% lang ito mula sa mahigit 4.3 milyong enrollees noong 2019.

Panawagan naman ng DepEd sa mga magulang at guardian na ipa-enroll ang kanilang mga anak hangga’t hindi pa nagsisimula ang klase para sa susunod na pasukan kung saan distance learning ang ipatutupad na pamamaraan ng pagtuturo sa lahat ng paaralan ng bansa.

Facebook Comments