Ibinunyag ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na patuloy na lumalala ang malnutrition sa mga batang Pilipino sa bansa.
Ito ang sinabi ng UNICEF sa ginanap na press conference tungkol State of the World’s Children 2019 Report kung saan lumalabas sa kanilang ginawang pag-aaral na isa sa bawat talong bata na limang taon pababa sa buong mundo ang malnourished o mga batang undernourished at mga overweight.
Nasa 149 milyon na bata naman na limang taon pababa sa mundo ang bansot o maliit para sa kanilang edad.
Nasa 50 milyon na batang nasa limang taon pababa ang underweight o kulang sa timbang
Lumalabas din sa report ng UNICEF na tumaas din ang bilang ng mga batang overweight o labis ang timbang . Nasa 40 million na bata edad lima pataas ang sobra ang timbang.
Ayon sa UNICEF, ang globalisasyon, urbanisasyon, mga humanitarian crisis at climate change ay nakaka apekto sa mga kinakain ng mga bata.
Inihayag din naman National Nutrition Council (NNC) Executive Director Dr. Azucena Dayanghirang na tumaas din ang bilang mga kabataang Pilipino na kumakain ng hindi masustansyang pagkain.
Hinimok din ng UNICEF at NNC an mga mababatas, mga ahensya, lokal na opisyal, mga health workers, at mga magulang na kumilos at tiyakin na may masustansyang pagkain para sa bawat batang Pilipino.