Pagtaas ng premium contribution ng mga OFWs sa PhilHealth, pinasisilip sa Kamara

94

Pinasisiyasat nila Bayan Muna Reps. Carlos Zarate at Ferdinand Gaite ang kwestyunableng pagtaas ng kontribusyon sa Philhealth ng mga OFWs.

 

Base sa ginawang computation ng mga migrant groups, mapipilitan ang mga OFWs na maglabas ng P50,000 para sa premium contribution sa PhilHealth.


 

Mistula din anilang hostage ang mga OFWs dahil bago sila maisyuhan ng Overseas Employment Certificates (OECs) at makaalis ng bansa ay kailangan mabayaran muna ang kontribusyon.

 

Giit nila Zarate at Gaite, dagdag pasakit ito sa mga OFWs lalo na ang mga mahihirap na mauuwi lamang sa pagkabaon sa utang sa halip na tulungang makabangon ng gobyerno.

 

Dagdag pa ng mga kongresista, unahin munang tugunan ng PhilHealth ang anomalya sa pagkaubos ng kanilang pondo dahil sa mga ghost patients at ghost dialysis imbes na pahirapan ang mga OFWs.

Facebook Comments

From Advertisers