Umabot sa 45 mamamahayag ang nasawi sa buong mundo nitong 2021.
Ayon sa International Federation of Journalists (IFJ), ito na ang pinakamababang bilang na naitala sa alinmang taon at magmula noong 1995.
Nangunguna sa bansang maraming namatay na mamamahayag ay ang; Afghanistan na may siyam, sinundan ng Mexico na may walo, apat sa India at tatlo sa Pakistan.
Ilan sa problemang kadalasang sanhi ay ang; pagkakadawit sa korupsiyon, krimen, pag-abuso sa kapangyarihan ng kanilang komunidad, lungsod at bansa.
Pero sa kabila ng naitalang datos, tiniyak ni IFJ Secretary General Anthony Bellanger ang suporta sa UN convention bilang pagbibigay-proteksyon sa mga mamamahayag sa buong mundo.
Facebook Comments