Pagsasagawa ng caravans sa Metro Manila ng supporters ng BBM-Sara Uniteam, pinapatigil muna!

1284

Pinapatigil muna ng tandem sa eleksyon 2022 na sina dating Senador Bongbong Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte ang pagsasagawa ng caravans ng kanilang supporters sa Metro Manila.

Sa inilabas na pahayag ng kampo ngayong araw, ito ay bilang pag-iingat sa posibleng pagkahawa sa Omicron variant ng COVID-19 na mayroon nang local transmission.

Mahalaga aniya sa kanila ang kaligtasan ng bawat isa kaya mas mabuting huwag munang magtipon-tipon sa labas.


Ilan sa kadalasang ginagawa ng supporters ay ang mass gathering na mahigpit na ngayong ipagbabawal alinsunod sa iiral na Alert level 3.

Ang Metro Manila ay mapapasailalim sa Alert Level 3 simula sa Lunes na magtatagal hanggang sa January 15.

Facebook Comments