Maliit na bilang pa lamang ng mga manggagawa ang tuluyang nakabalik na sa kanilang trabaho sa kabila ng paglalagay sa mas maluwag na restriksyon ang Metro Manila.
Taliwas ito sa inaasahang 150,000 hanggang 200,000 manggawa na ang muling makapagtatrabaho.
Ayon kay Kilusang Mayo Uno (KMU) Chairperson Elmer Labog, ang pinapayagang 10% minimum at 30% maximum capacity ay lubhang maliit kumpara sa bilang ng mga trabahador.
Maliban dito, binigyang diin ni Labog na maraming manggagawa ang nais magpabakuna kontra COVID-19 pero sadyang mabagal lamang ang paggulong ng vaccination program sa bansa.
Sa ngayon, nanawagan ang KMU sa pamahalaan na magpatupad ng kongkretong solusyon sa para labanan ang nararanasang pandemya.
Facebook Comments