Bilang ng mga medical frontliner na nagtungo sa ikalawang araw ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa Sta. Ana Hospital, mas laong dumami

Mas lalong dumami ang mga medical frontliner na nagtungo sa Sta. Ana Hospital sa lungsod ng Maynila sa ikalawang araw ng vaccination program ng lokal na pamahaalan.

Sa pahayag ni Dr. Grace Padilla, Director ng Sta. Ana Hospital, karamihan sa mga medical frontliner na nagpapabakuna sa ngayon ay galing sa Justice Jose Abad Santos Medical Center.

Naging mabilis at maayos ang proseso sa pagbabakuna ngayong araw kung saan kahapon ay nakapagtala ng nasa 163 medical frontliners na nabigyan ng Sinovac.


Bukod sa mga health workers sa Sta. Ana Hospital at Justice Jose Abad Santos Medical Center, nakatakda rin bakunahan ang mga medical personnel ng Ospital ng Maynila, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Tondo at Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Inihayag pa ni Dr. Padilla na karamihan sa mga nabakunahan kahapon ay normal lang ang naramdaman habang sa kasalukuyan ay wala pa naman silang naitatalang medical frontliners na nakaranas ng adverse effect ng dahil sa Sinovac.

Facebook Comments