Bilang ng mga motorsiklo na nagparehistro sa LTO, tumaas dahil sa pinaigting na “No Registration, No Travel Policy”

Tumaas ang bilang ng mga motorsiklo na nagpapa-rehistro sa Land Transportation Office (LTO), dahil sa pinaigting na kampanya ng ahensya na “No Registration, No Travel” policy.

Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na batay sa pinakahuling datos, umabot na sa mahigit 3,000 ang mga motorsiklong nagparehistro sa Region 6 hanggang nitong November 30.

Bukod dito ay tumaas din aniya ang registration ng mga deliquent motor vehicles sa Western Visayas at iba pang rehiyon, pero sa ngayon ay kinokolekta pa nila ang mga datos.


Ayon sa LTO, tinatayang 24.7 milyon o katumbas ng 65% ng mga motorsiklo sa buong bansa ang hindi pa rehistrado.

Pinuri naman ng opisyal ang LTO-Region 6 at LTO-NCR, dahil sa agresibo nitong kampanya na nagresulta sa mas mataas na bilang ng mga motorsiklong nagparehistro sa ahensya.

Facebook Comments