Nilinaw ni Barangay Kapitan Ryan Geronimo ng Barangay Tinajeros, Malabon City na chlorine at hindi ammonia ang nag-leak sa warehouse ng mga oxygen at acetylene sa bahagi ng Bustamante Street.
Ayon pa kay Geronimo, umakyat na sa anim ang bilang ng mga residente na dinala sa ospital.
Kabilang sa mga na-ospital ay limang menor de edad.
Ayon sa Malabon Disaster, Risk and Reduction Management Office, kabilang dito ay tatlong lalaki na edad tatlo, apat at siyam na taong gulang, isang babae na 13-anyos at isang nine-month-old na lalaki.
Abot sa may 300 na residente ang inilikas bilang pag-iingat.
Dagdag ni chairman, kalumaan ng lugar ang dahilan ng chlorine leak.
Tiniyak namaan ng may-ari na tatabunan na ng buhangin ang nag-leak na chlorine.
Nag-abiso na rin ang Bureau of Fire Protection na pwede nang bumalik sa kani-kanilang bahay ang mga inilikas na residente.