Bilang ng mga naapektuhan ng Bagyong Odette, halos 4 milyon na

Sumampa pa sa 1,000,742 pamilya o katumbas ng 3,918,689 na indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Odette.

Batay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 70,998 pamilya o 285,267 na indibidwal ang nananatili sa 1,204 na mga evacuation center.

Habang nasa 66,715 pamilya o 231,215 na indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak.


Aabot naman sa 108,082 na kabahayan ang tuluyang nasira dahil sa bagyo habang bahagya namang naapektuhan ang nasa 216,371 na bahay.

Sa ngayon, umabot na sa 104,317, 486 na humanitarian assistance ang naipaabot na ng DSWD, Local Government Unit (LGU) at non-government organization sa mga nabiktima ng bagyo.

Facebook Comments