Bilang ng mga naaresto dahil sa paglabag sa Comelec gun ban, patuloy pang nadadagdagan isang linggo bago ang araw ng botohan

Posible pang madagdagan ang bilang ng mga naaresto dahil pa rin sa paglabag sa umiiral na gun ban sa bansa.

Sa datos na inilabas ng Commission on Elections (Comelec), umakyat na sa 2,787 ang bilang ng mga naaresto isang linggo bago ang May 12 midterm elections mula Enero 12 hanggang Mayo 1 ngayong taon.

Ayon sa Comelec, ang 2,668 na mga naaresto sa naturang bilang ay mga sibilyan, 47 dito ay security guard, 16 na kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP) habang 11 naman ay miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Sa parehong datos umaabot naman na sa 2,870 ang bilang ng nakumpiskang baril sa magkakahiwalay na check point.

Kabilang sa mga nakumpiska ang 2,589 na small firearms, 112 na replica, 70 explosive, 58 light weapon at marami pang iba.

Facebook Comments