
May pasasabugin ang kampo ni Vice President Sara Duterte oras na simulan ang impeachment trial laban sa kanya.
Ayon kay VP Sara, kabilang sa kanilang ilalabas ang mga video na naglalaman kung paano ginagamit ng administrasyon ang Philippine National Police o PNP sa panggigipit sa mga kalaban nito sa politika.
Sinabi pa ni VP Sara na hindi na rin siya nagulat sa sunud-sunod na rin ngayon ng PNP sa kanilang lugar Davao City.
May kutob din si VP Sara na balak guluhin ng administrasyon ang halalan sa Davao City kaya ito nagpadala doon ngayon malaking pwersa ng mga pulis.
Facebook Comments