Bilang ng mga nabakunahan sa bansa, mahigit 33-million na

Umabot na sa kabuuang 33,099,392 doses ng mga bakuna kontra COVID-19 ang naipamahagi na sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 13,784,682 ang fully vaccinated na.

Ayon sa Department of Health (DOH), 19,314,711 naman ang nakakuha na ng kanilang first dose ng bakuna.


Ayon pa sa datos, umabot sa kabuuang 2,710,232 doses ang naiturok sa ika-26 na linggo ng national vaccination.

Facebook Comments