Memorial wall para sa mga nasawing medical frontliners, matatapos na sa Disyembre – Galvez

Target ng pamahalaan na matapos sa December 2021 ang memorial wall para kilalanin ang kabayanihan ng medical frontliners na nasawi habang tumutugon sa pandemya sa COVID-19.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., nasa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang memorial wall na nakalaan para sa mga doktor, nurse at iba pang medical personnel.

Pipilitin aniyang matapos ito sa loob ng 41 araw o sa loob ng tatlong buwan.


Tiniyak din ni Galvez na nakikipag-ugnayan na siya kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana at iba pang stakeholders para sa magiging design ng memorial wall.

Facebook Comments