Umabot na sa 4,097,425 ang nabakunahan sa buong bansa hanggang kahapon, May 22.
Sa kabuuang bilang, 3,147,486 ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna habang 969,939 ang nakakumpleto na sa kanilang second dose.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, nakapagtala sila ng average na 162,513 jabs kada araw.
Naitala ang pinakamataas na daily vaccination rate sa bansa noong May 20, na may 229,769 administered doses.
Samantala, sa report ng Bloomberg, pumapangala ang Pilipinas sa sampung ASEAN Member States pagdating sa dami ng mga bakunang naiturok na; pang-labintatlo sa 47 bansa sa Asya; at pang-tatlumpu’t pito sa 196 na mga bansa sa buong mundo.
Facebook Comments