Bilang ng mga Nabakunahan sa Cagayan, Tumataas- Dr. Cortina

Cauayan City, Isabela- Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19 sa mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Cagayan batay sa inilabas na datos ng Provincial Health Office.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina, umabot na sa 63% ang nakatanggap ng first dose habang 38% lamang sa second dose.

Kaugnay nito, umakyat na sa 94% ang bakunado sa unang dose sa mga bayan ng Sanchez Mira at Lal-lo.


Tumaas rin sa 85% mula sa 43% ang Claveria, Sta. Praxedes-85%, Gonzaga-82%, Rizal-81%, Abulug-75%, Tuguegarao City-74%, Sta. Teresita-71% at Tuao-70%.

Nasa 60-66% naman ang Enrile, Baggao, Amulung, Allacapan, Camalaniugan, Gattaran, Buguey at Piat.

Aabot naman sa 50-59% ang Iguig, Pamplona, Lasam,Solana, Aparri at Sta. Ana habang nasa 40-49% ang Calayan, Alcala, Ballesteros, Penablanca at Sto. Nino.

Paliwanag naman ni Dr. Cortina na hindi dapat namimili ng bakuna na ituturok sa isang indibidwal at dapat tangkilikin ang bakuna na mayroon dahil lahat naman ay dumaan sa pagsusuri na ligtas sa tao.

Matatandaan na target makapagbakuna ng 100 kada araw ang 12 District Hospital at ng PHO vaccination site upang maabot ng Cagayan ang 19,000 na mababakunahan sa isang araw.

Facebook Comments