Sa pagtatapos ng extended enrollment period kahapon, July 15, 2020, nakapagtala ang Department of Education (DepEd) ng kabuuang 20.74 milyong enrollees mula kindergarten hanggang senior high school.
Ang nasabing bilang ay 74.6% lamang ng 2019-2020 enrollment figure na umabot sa higit 27 milyon.
Ang pinakamalaking pagbulusok ay naitala sa mga pribadong paaralan kung saan 305,842 ang lumipat sa public school.
Nabatid na 19.62 milyon ang nagparehistro sa pampublikong paaralan habang 1.09 milyon lamang sa mga pribadong eskwelahan.
Sa kabila nito, nilinaw ng DepEd na maaari pa ring tanggapin ang mga late enrollees sa mga public school basta’t maaabot nito ang 80% ng nakatakdang bilang ng school days.
Pwede pa ring mag-enroll ang isang estudyante hanggang Setyembre o isang buwan matapos ang pagbubukas ng klase.