Notoryus Drug Pusher, Patay sa Engkwentro ng Pulisya

23

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang notoryus na tulak ng droga sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad miyerkules, July 14 sa Brgy. Andarayan North, Solana, Cagayan.

Kinilala ang nasawing suspek na si alyas Efren, at residente ng Brgy San Gabriel, Tuguegarao City.


Batay sa inisyal na report ng PNP Solana, nabatid na sangkot ang nasabing suspek sa iligal na bentahan ng droga sa Tuguegarao City at Solana.

Positibong napagbentahan droga ng suspek ang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P3,000 na buy-bust money hanggang sa nakatunog umano ang mga suspek na isang pulis ang kanilang katransaksyon kaya’t agad na binunot ang baril nito at naiputok sa operatiba subalit agad na tinamaan ng bala ng baril sa kanyang dibdib ng dalawang beses ang suspek mula sa iba pang operatiba na kasama sa operasyon.

Narekober naman sa crime scene ang P3,000 na ginamit sa transaksyon, caliber 38 revolver na may kasamang tatlong (3) piraso ng bala at isang basyo ng bala mula sa baril ng suspek.

Maging ang basyo ng bala ng caliber 9mm at tatlong pakete ng hinihinalang shabu.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang mga awtoridad para matukoy ang kinaroroonan ng kasama ng suspek ng mangyari ang insidente.




Facebook Comments