Bumaba ng halos 60 percent ang bilang ng mga nagpa-enroll sa Alternative Learning System (ALS) ngayong taon.
Ayon sa Department of Education, nakapagtala lamang sila ng 239, 616 ALS enrollees kung saan higit na mas mababa ito kumpara sa 599,365 na naitala noong nakaraang taon.
Pero paliwanag ng DepEd, ang enrollment sa ALS ay tinatawag na ‘rolling basis’ kaya’t pwede pa itong madagdagan sa mga susunod na panahon.
Sa kabila nito, tumaas naman ng apat na porsyento ang enrollees sa basic formal education program ng ahensya.
Batay sa huling tala, katumbas ito ng 27, 232, 095 na mga bata na mas mataas kumpara sa 26.2 million noong nakaraang taon.
Facebook Comments