Bilang ng mga nagbayad ng kontribusyon sa SSS nitong Mayo, bumaba

Umabot lamang sa 12.3 milyon na miyembro ng Social Security System (SSS) ang nagbayad ng kanilang kontribusyon nitong Mayo.

Batay sa datos na inilabas ng SSS, mababa ito ng 13.6% sa naitalang 14.2 milyon sa kaparehong buwan noong 2020.

Paliwanag ni SSS President at CEO Aurora Ignacio, ang pagbaba ng bilang ng mga nagbabayad ng kontribusyon ay epekto ng COVID-19 pandemic kung saan napilitang isara ng mga negosyante ang kanilang mga negosyo.


Facebook Comments