Bilang ng mga naghain ng kandidatura para sa BSKE, pumalo na sa higit 500,000 – Comelec

Pumalo na sa 767,064 ang bilang ng mga naghain ng kandidatura para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Batay sa pinakahuling datos ng Commission on Election (Comelec), sa 42,001 na posisyon bilang barangay chairman, 58,602 dito ay nagsumite na ng Certificate of Candidacy (COC).

Nasa 421,365 ang naghain ng COC sa Sangguniang Barangay o kagawad, para sa 294,007 na kabuuang posisyon.


Para naman sa Sanguniang Kabataan, umabot sa 46,921 ang naghain para sa SK Chairman habang nasa 240,176 ang nakapaghain para sa SK Kagawad.

Samantala, dahil suspendido ngayong araw ang filing ng COC sa Metro Manila, Ilocos Norte, at Abra dahil sa sama ng panahon, pinalawig naman ng Comelec ng hanggang September 3 ang paghahain ng kandidatura.

Facebook Comments